Pagkatapos ng very successful movie ng Star Cinema, ang Caregiver,
they are coming out again with a new one. Bahagi pa rin ng ika-15th
anniversary offering ng Star Cinema ang pelikulang A Very Special Love
under the direction of Cathy Garcia-Molina.
Sa movie na ito unang mapapanood sa big screen ang tambalang
John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo. This also serves as Sarah's biggest movie
break, and at the same time, parang launching niya rin para maging romantic
leading lady. Sarah did a movie before, ang Lastikman, which is an
action-fantasy movie.
Ang premise ng A Very Special Love ay kung sapat ba
ang pagmamahal nang sobra-sobra ng isang babae para mahalin din in return ng
lalaking mahal niya.
John Lloyd plays the serious magazine publisher, while Sarah
plays a fresh graduate na ang naging motivation sa pagpasok sa work ay
dahil in love siya sa kanyang boss (John Lloyd).
FUNNY SARAH. Ayon sa mga nakapanood na ng rushes ng
movie, nakakaaliw ang pagka-funny ni Sarah. May
timing sa comedy at magaling magbitiw ng mga linya.
In fact, maging si John Lloyd who first worked with Sarah sa
isang Maalaala Mo Kaya episode before ay hindi raw maiwasang matuwa kay
Sarah sa kanilang mga scenes together. Exact comment nga raw ni John Lloyd
about his new leading lady, "In-fairness sa batang ito, nakaka-deliver!"
Three-fourths na ng movie ang ibinalita sa PEP (Philippine
Entertainment Portal) ng taga-Star Cinema na natatapos i-shoot, so, anytime
soon ay maaari na raw itong mapanood sa mga sinehan.
As mentioned, part ng 15th anniversary offering
ng Star Cinema ang A Very Special Love. Nauna na nga rito ang Caregiver
at ilan pa sa mga susunod na puwedeng abangan ay ang movie naman nina Richard
Gutierrez at KC Concepcion, Piolo Pascual at Angel Locsin.
CHEMISTRY. Sa mga nagtatanong kung may chemistry sa pagitan ng dalawa, definitely ay meron daw. Una na nga raw nakita at nasubukan iton
via their first MMK episode. Hindi man sila natuloy sa
pagre-remake sana ng first movie together noon nina Sharon Cuneta at Gabby
Concepcion na Dear Heart, naging possible pa rin ito through A Very
Special Love.
Naitanong din ng PEP sa taga-Star Cinema kung aware ba sila
sa isyung plano raw i-boycott ng fans ng love team nina John Lloyd at Bea
Alonzo ang movie at, ayon sa kanila, mismong si Bea na ang nakausap at nahingan
nila ng reaction dito.
Kay Bea raw mismo galing na siguradong susuportahan niya ang
ka-love team na si John Lloyd sa bagong pelikula nito with Sarah. Katuwiran ni
Bea, nakagawa na rin siya ng ibang projects before na hindi rin naman
si John Lloyd ang kapareha niya, kung kaya't happy siya for John Lloyd
sa bago nitong movie.
Dugtong pa raw ni Bea, alam naman daw niya in the long run,
siguradong gagawa at magkakasama pa rin silang dalawa.
KING MEETS PRINCESS. Sa part naman daw ng Star
Cinema as producer, what they want din ay ang makapagbigay ng something new sa
mga manonood kaya pumasok ang bagong tambalan nina John Lloyd at Sarah na
puwede raw sabihing, "The Box-Office King meets the Popstar Princess." Hindi
nga lang biritan ang gagawin ni Sarah dito kundi acting.
In the tradition din ng mga successful
romantic movie ni Direk Cathy Garcia-Molina ang A Very Special Love,
tulad ng Close to You, You Are the One, You Got Me at One
More Chance.
Bukod sa dalawang bida, kasama rin sa A Very Special Love
sina Joross Gamboa, Irma Adlawan, Al Tantay, Gio Alvarez, Matet de Leon, at
Marianna del Rio.
No comments:
Post a Comment