Monday, September 29, 2008

SARAH IS A REVELATION

Sa obserbasyon ng marami, lutang na lutang ang natural na husay sa pag-arte ng aktor pero kapansin-pansin din daw ang galing na ipinakita ng Pop Princess. Bagay na sinang-ayunan naman ni John Lloyd.

"Basta ang alam ko si Sarah, nag-shine siya sa movie na ito. She's the biggest revelation in this movie. Iisipin mo napakasimple lang ng role niya, kahit siya sinasabi niya na 'di malayo sa kanya. Light lang pero kung paano niya binigyan ng buhay 'yung light na sinasabi niya, kung alam ninyo lang kung gaano kahirap yun… I think any performer or actress will agree with me na 'di porke't sinabi mong light, 'di lang puro light ang atake talaga. Dalawang dimension yung atake niya, ang galing-galing.

"Habang nagda-dubbing ako nun, napapanood ko siya, bit by bit. Pero nung nakita ko siya nung isang latagan, sabi ko, 'di ko na kailangang i-promote, 'di ko na kailangang papurihan si Sarah. Marami-rami na kaming promotions na nagawa. Sinasabi ko ito hindi para i-promote yung pelikula namin pero sa tingin ko sobrang galing talaga ni Sarah dito."

Sa tanong namin kung bukas ba siya sa isang bagong proyekto na magkasama sila uli ni Sarah, nakakatakot ang isinagot sa PEP ng aktor.

"Nakakatakot kasi kung maging successful ang movie na ito, paano mo mapapantayan yung una? Nakatakot, but I would definitely welcome the idea of doing another movie movie with Sarah."

No comments: